By Jans Earnings and Elzie Zola II in Official JBP-JSS-Tripler Philippine Group
Masuwerte ang mga baguhang members ng Just Been Paid dahil may abiso na magkakaroon ng RESTART sa loob ng dalawang linggo. Malaking bagay din na sinabihan na tayo ni Frederick Mann kung ano ang mabuting gawin para hindi maging malaki ang epekto ng Restart sa earning capacity ng bawa't isa.
Ano ba talaga ang RESTART Feature ng Just Been Paid?
Ang unang tatanungin ng sino mang niyayang sumali sa JBP ay: totoo bang kikita ako? Kasunod nito ay "baka naman mawala ang pera ko dito".
Naranasan na ni Mr. Mann ang kumita ng limpak-limpak sa iba't ibang online programs. At naging saksi din siya kung paano naglaho ang karamihan sa mga ito na parang bula, tangay ang pera ng mga miyembro.
Sa kagustuhan niyang makatulong sa nakararami na kumita sa pinakamadaling paraan, ay nag-isip siya ng paraan kung paano maipapagpatuloy ang isang programa sa pagbibigay ng pagkakataong kumita ng pera sa loob ng mahabang paahon.
Ang RESTART Feature ang kanyang naging kasagutan.
Anong nangyayari kapag may RESTART?
Ang Restart ay mekanismo kung saan bahagi ng Triplers ay "pinapatay" bago pa man ang 81 days na buhay nito, at pinapalitan ang mga ito ng JSS matrix positions.
Ang Triplers na nagbibigay ng 2% earnings (1.5% kapag Sabado at Linggo) ay LIABILITIES para sa kumpanya. Bakit? Dahil obligasyon ang pagbabayad ng ganitong halaga sa bawa't miyembro na merong biniling Tripler positions.
Alam ni Mr. Mann na darating ang panahon na di matutugunan ng programa ang bayaran ang lahat ng obligasyon nito. Kaya't naisip niya na babawasan na lamang ang liabilities na ito sa pamamagitan ng pagbawas sa Triplers na kailangan bayaran.
Pero, hindi ibig sabihin na mawawala ang pera ng mga miyembro kapag ito ay nangyari. Dito papasok ang JSS Matrix positions, na nagkakahalaga ng $60 sa tuwing ito ay napupuno. Imbes na kumita ka ng malaki araw-araw, tumatagal lamang ang panahon kung kailan matatanggap ang iyong kinita mula sa matrix.
Ang lahat ba ay apektado sa Restart?
Merong binigay na guidelines si Mr. Mann tungkol sa restart. Una na dito ay ang cut-off date sa pagsali sa JBP. Ibig sabihin, kung ikaw ay sumali pagkatapos ng petsang sinabi niya, ay hindi ka mabibilang sa restart.
Pangalawa: meron na siyang tinakdang range na 10% hanggang 40% maximum pagdating sa triplers na maaaring maapektuhan. Ibig sabihin, nakasalalay sa laki ng tripler account mo kung ilang posiyento ang tatamaan dito. Habang mas malaki o mas madami ang iyong tripler, ay mas malaki din ang mababawas sa iyo.
Kaya't di dapat mabahala ang mga baguhan, na kasisimula pa lang bumili ng kanilang mga tripler. Kung sakaling masasali ang account niyo, ito malamang ay nasa lower range lang at di masyadong makakasakit sa inyong negosyo.
Nabanggit din ni Mr. Mann na kung di ka pa kumikita o nakakabawi sa iyong pinambili ng triplers, ay baka ligtas ka din sa restart o sobrang liit ng epekto nito sa iyo.
May mabuti bang naidudulot ang Restart?
Malaki. Para matanggap ang $60 rebate na mula sa mga JSS Matrix positions, kailangan mapuno ang 6 na spots ng isang matrix. Nakakatulong ang restart dito dahil sa dami ng converted matrices na ipapasok nito sa sistema. Kung nakahanda ang inyong matrix, malaki ang posibilidad na makapuno ka ng isa, dalawa o higit pa habang nagaganap ang restart feed o paglipat ng mga matrix.
Kung hindi naman, ay mas mabilis pa rin mapupuno ang empty spots ng matrix mo, kahit na pa-isa-isa o dala-dalawa lang ang mga ito.
Dapat bang mangamba sa Restart?
Ang unang dalawang restart ay talagang nakagugulat, lalo na itong huli noong January 7. Dahil 75% ng triplers ang tinamaan. Marami ang hindi nakapaghanda para sa mga tatanggaping matrix. Kaya't noong bumagsak ang kanilang tripler account, tapos wala silang pondo para sa premiums and placements, marami talaga ang nasiraan ng loob.
Kaya't malaki na ang advantage ng mga baguhan sa programa. Hindi na kasing tindi ang susunod na restart. At naibahagi na din ng mga nakaranas ng restart kung ano ang mainam gawin para maiwasang bumagsak ang iyong negosyo. PAGHANDAAN ang Restart at huwag itong katakutan.
Kung ang unang pakay ni Mr. Mann ay makatulong na kumita ang maraming tao sa pinakamadaling paraan, ang ikalawa naman ay maipagpatuloy ang paraang ito sa loob ng napakahabang panahon.
Simple lang naman talaga eh: Ano ba ang gusto natin -- ang mabawasan panandalian ang kinkita natin sa araw-araw at lumaki ang kikitain sa mas mahabang panahon, o tuluyang MAWALA ang Just Been Paid?